Biyernes, Oktubre 21, 2011

My HOME Work October 2011 part 5


Nailalarawan ang mga kaugaliang kaugnay ng mga pagdiriwang na ito.
·         Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Titik lamang ang isulat sa patlang.



a.       Buwan ng Wika                                         d. Araw ng kalayaan
b.      Araw ng mga Bayani                               e. Araw ng mga Tao
c.       Araw ng Kagitingan                                 f. Araw ng paggawa

______1. Isinasabit ang mga bandila o watawat ng Pilipinas sa mga gusali at sasakyan tuwing ika-12 ng Hunyo.
______2. Pagrarally sa EDSA sa ika-25 ng Pebrero.
______3. Pinangangaralan ang natatanging mangagawa tuwing ika-1 ng Mayo.
______4. Pagsali sa mga paligsahan tulad ng talumpati at katutubong awit tuwing buwan ng Agusto.
______5. Pagsasadula ng buhay ng mga bayani sa huling Linggo ng Agusto.
______ 6. Ginugunita ang pagkamatay ng mga Sundalong Pilipino at Amerikano na nakipaglaban  sa mga Hapones. Tuwing ika-9 ng Abril.


lll. Pambansang Katapatan
                Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga karapatan at tungkulin ng isang Pilipino.
A.      Nasasabi na ang bawat karapatan ng batang Pilipino ay may katumbas na tungkulin.
1.       Nakikilala ang mga karapatan ng bata na mabigyan ng iba pang pangangailangan.
·         Lagyan ng tsek (√ ) kung ang mga sumusunod na parirala ay nag sasaad ng karapatan ng bata at ekis ( X ) naman kung hindi.
______ 1. Karapatang makapaglibang.
______  2. Karapatan sa pangangalagang medical.
______ 3. Karapatang mang-away ng kaklase.
______ 4. Karapatang magtrabaho.
______ 5. Karapatang mabigyan ng pangalan.
______ 6. Karapatang maging mayaman.
______ 7.Karapatang makapag-aral.
3.1 Nakikilala ang mga tungkulin ng isang bata
Ø  Sa tahanan
Ø  Sa paaralan
Ø  Sa pamayanan
·         Piliin ang tamang sagot sa ibaba . titik laman ang isulat.
a.tahanan                                            c. Simbahan
b. paaralan                                          d. pamayanan

______ 1. Mag-aral ng mabuti.
______ 2. Pagsunod sa utos ng magulang.
______  3. Iwasan ang pagkakalat.
______ 4. Pagsasagawa sa mga aral ng relihiyon.
______ 5. Maglilinis ng bahay.
______ 6. Pagtanim ng halaman sa paligid.
______ 7. Pagsunod sa mga alintuntunin ng paaralan.
______ 8. Pagdarasal ng taimtim sa panginoon.
______ 9. Pag-aalaga sa nakakabatang kapatid.
______ 10. Pagpapaganda ng pook-pasyalan.
3.2  Nasasabi ang maaaring mangyari kung hindi gagampanan ang mga tungkulin.
·         Basahin ang bawat kalagayan. Alamin kung ano ang kasunod na pangyayari.
1.       Tinawag ka ng iyong kalaro. Sumama ka sa kanila kahit marami kang takdang-aralin. Ano ang mangyayari?
a.       Masisiyahan ka         b. Magkakasakit ka.        c. Bababa ang marka
2.       Kasali ka sa Math Quiz. Gusto mong manalo subalit hindi ka nag-aral. Mananalo ka ba?
a.       Hindi                              b. Oo                                     c. Marahil
3.       Nakita mong nagkalat ang basura sa inyong kapaligiran ngunit hindi mo pinansin. Ano ang mangyayari kapag bumuhos ang mlakas na ulan?
a.       Maraming tubig ang maiimbak ng mga tao.
b.      Babaha sa inyong lugar.
c.       Lilitaw sa katubigan.
4.       May mga taong nanggugulo sa inyong pamayanan. Kahit isa sa inyo hindi nag report sa polisya. Ano ang mangyayari sa inyong pamayanan?
a.       Iiral ang kaguluhan
b.      Mamamatay ang mga tao
c.       Masisiyahan ang mga polisya
5.       Inutusan ka ng nanay mo na bantayan ang kanyang niluluto. Ngunit patuloy ka parin sa paglalaro ng computer, ang kasunod na mangyayari ay ___________.
a.       Mananalo ka sa computer games.
b.      Magagalit ang nanay.
c.       Wala kayong makakain.


B.      Natatalakay na ang bawat batang Pilipino ay may natatanging kakayahan.
1.       Nasasabi na ang bawat bata ay may natatanging kakayahan.
1.1   Naiisa-isa ang mga gawaing makakayang gawin ng isang bata.
·         Alin ang mga gawaing makakayang gawin ng isang bata? Bilugan ang bawat bilang kung ito ay sumasagot sa katanungan.
1.       Pagmamaniho ng sasakyan.
2.       Pagsali sa paligsahan sa pag-awit.
3.       Pagbasa at pagsulat.
4.       Pagtulong sa mga gawaing-bahay.
5.       Pamamalantsa ng mga damit.
6.       Paglahok sa Quiz Bee.
7.       Paggawa ng bahay.
8.       Pagkumpuni ng mga sirang kagamitan sa bahay.
9.       Paggawa ng tula, awit at kuwinto.
10.   Paglikha ng mga recycle na bagay.
1.2 Nailalarawan ang sariling kakayahan o ang gawaing kayang gawin.
·         Si Roy ay magaling sa pagigkas. Anong paligsahan ang dapat niyang salihan?
a.       Awit                               b. Pagbasa                          c. Tula
·         Kung ikaw ay mahusay sa pagsipa at pagdepensa sa iyong sarili, sa anong laro ka dapat sumali?
a.       Boksing                        b. Taekwondo                   c. Sipa

2.       Naisaisa ang mga paraang nakatutulong sa isang bata upang mapaunlad ang natatanging kakayahan.
·         Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang.

Hanay A                                                                               Hanay B

_____ 1. Isinasama ang may kakayahang                              a. Young Writer’s Club
Umawit at tumugtog.                                                                     b. Young Artist Club
_____ 2. Nilalahujan ng mga batang                                        c. Children’s Choir and Rondalla
magaling  sa pagsulat.                                                                    d. Dance Troupe
_____ 3. Magaling sa Matimatika.                                            e. Mathematics Club
_____ 4. Sinasanay sa pagguhit ang
mga kasiping na bata.
_____ 5. Sumasali ang mga magaling sumayaw.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento