Biyernes, Oktubre 21, 2011

My HOME Work October 2011 part 2

•    Basahing mabuti ang kuwentko. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Masayang Mag-anak
    Si Mark at si Tina ay magkapatid. Pitong taong gulang na si Mark at nag-aaral na sa ikalawang baiting. Si Tina ay dalawang taong gulang pa lamang at inaalagaan pa ng kanyang Yaya Nita na tinuturing na nilang mag-anak. Si Tony ay 34 na taong gulang at si Aling Mirna ay 26. Kapwa sila naghahanap buhay.
    Tumutulong si lola Nina sa pag-aalaga kina Tina at Mark. Tumutulong naman sa paglilinis at pagtatanim sa bakuran si Lolo Fredo.
    Isang tsuper ng tazi si mang Tony. Nagtitinda naman si Aling Merna ng mga pagkain sa kanilang sariling karinderya. Kailangan nilang magtrabaho upang matustusan ang kanilang mag-anak. Si Yaya Nita naman ang kailangang mag-aalaga kay Tina upang mapagamot ang kanyang nanay na may sakit.
    Si Tina ang nagpapasaya sa mag-anak. Nag-aaral naman si Mark. Maraming kuwento sina Lola at Lolo. Nagtatawanan sila. Tunay na Masaya ang mag-anak ni Mang Tpny at Aling Merna.
Mga tanong sa binasa:
•    Sinu-sino ang nabibilang sa umaasang pupulasyon?
a.    Mark, Tina, Lolo Fredo, Lola Tina
b.    Yaya Nita, mang Tony, Aling Merna
c.    Mark, Tina
•    Sinu-sino naman ang kabilang sa inaasahang populasyon?
a.    Mark, Tina, Lolo Fredo, Lola Nita
b.    Yaya Nita, Mang Tony, Aling Merna
c.    Mark, Tina
6.5    Napaghahambing ang populasyong umaasa at populasyong inaasahan.
•    Ano ang kaibahan ng populasyong umaasa sa populasyong inaasahan?
a.    Mga bata at matatanda lang ang nabibilang sa populasyong umaasa samantala sa populasyong inaasahan mga taong kayang magtrabaho.
b.    Ang mga taong kabilang sa populasyong umaasa ay yaong walang kakayahang mamuhay nang mag-isa samantalang sa populasyong inaasahan ay ang mga taong malalakas at kayang-kayang maghanapbuhay.
c.    14 hanggang 65 taong gulang ng kabilang sa populasyong umaasa samantala 15 hanggang 64 taong gulang ang kabilang sa populasyong inaasahan.
6.6    Napapahambing ang populasyong nagbibigay ng produkto at populasyong nagbibigay nag lilingkod.
•    Ano ang kayang gawin ng magsasaka na di kayang gawin ng doctor?
a.    Ang magsasala ay nagbibigay sa ating ng ating pangunahing pangangailangan sa pagkain.
b.    Sila lang ang nakakaalam ng tamang Gawain sa pagsasaka.
c.    Lahat ay taman.
•    Ano ang katulad ng isang mananahi sa isang guro?
a.    Pariho silang naghahanap buhay.
b.    Pariho silang nakakatanggap ng sahod
c.    Pariho silang naglilingkod at nagmamahal sa ating bansa.

7.    Natatalakay ang mga paraang ginagawa ng pamahalaan sa pangangalaga ng yamang tao ng bansa.

•    Iguhit ang puso kung tama ang pangangalaga sa yamang tao at bituin naman  kung hindi.
____1. Bigyan ng tamang pasahod ang mga mangagawa.
____2. Pakainin ng masustansyang pagkain ang mga may sakit.
____3. Baliwalain ang kapakanan ng mga mangagawa.
____4. Ibigay ang lahat na kailangan ng matatanda kahit masama ito sa kanila.
____5. Pansinin ang naghahanapbuhay lamang.
8.    Natutukoy ang makasaysayang pook ng bansa.
•    Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga makaysayang pook sa bansa maliban sa isa. Alin ditto?
a.    Laguna de Bay     b.Pulo ng Mactan     c. Palasyo ng Malacañang

9.    Nasasabi ang mahahalagang pangyayaring naganap sa ilang makasaysayang pook sa bansa.
•    Piliin ang tamang titik na nagsasaad sa mahahalagang pangyayaring naganap sa mga sumusunod na mga makasaysayang pook.

1.    EDSA
a.    Dito matatagpuan ang MRT.
b.    Dito dumadaan ang iba’t-ibang sasakyang panglupa.
c.    Dito nangyari ang mapayapang People Power Revolution.

2.    Palasyo ng Malacañang
a.    Ito ay matatagpuan malapit sa Ilog Pasig.
b.    Ito ang opisyal na tirahan ng Pangulo ng Pilipinas.
c.    Malaking tirahan ng mataas na opisyal.

3.    Pasong Tirad
a.    Ipinagtanggol ito ni Heneral Gregorio del Pilar laban sa Amerikano.
b.    Madadaanan ito kung pupunta ka sa Lungsod ng Makati.
c.    Sikat ang pook ba ito sa mga murang isda.

4.    Fort Santiago
a.    Ito ay isang pook-paaralan sa loob ng Maynila.
b.    Dito ang ikinulong ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.
c.    Maraming mga sundalo rito na naghahanda sa oras ng digmaan.

10.    Naipapakita ang paggalang at pangangalaga sa mga makasaysayang pook.
•    Iguhit ang       kung ang pangungusap o parirala ay nagpapakita ng paggalang at pangangalaga sa mga makasaysayang pook       naman kung hindi.
____1. Huwag bigyang pansin ang mga pagdiriwang idinadaos sa Loneta Park.
____2. Panatalihing maganda at malinis ang mga makasaysayang pook.
____3. Sundin ang mga batas na nagpapatupad kaayusan ng mga makasaysayang pook.
____4. Sirain ang mga palatandaan sa mga makasaysayang pook.
____5. Sulatan at guhitan ang bantayog n gating mga bayani para malaman ng mga tao na pumunta ka rito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento